Bawal nang dumaong sa kahit saang pantalan sa Bacolod City ang mga barko o kahit anong sasakyang pandagat na galing ng China, Hong Kong, at Macau upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang syudad.
Nakapaloob ito sa Executive Order na inilabas ng pamahalaang panlunsod ng Bacolod.
Idinepensa ni Mayor Evelio Leonardia ang kanilang naging hakbang na anyay naaayon sa local government code.
Tinukooy ni Leonardia ang Section 16 ng local government code kung saan sinasabi na tungkulin ng bawat lokal na pamahalaan na tiyakin ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente sa kanilang nasasakupan.