Pinabulaan ng Deputy Director General ng Tokyo 2020 preparation bureau ang ulat na ikinukunsidera nila ang pagpapaliban sa Tokyo Olympics sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon.
Ayon kay Katsura Enyo, Deputy Director General ng Tokyo 2020 preparation bureau, hindi nila napag-uusapan ang hinggil sa postponement ang Olympics sa kabila naman ng banta ng COVID-19.
Iginiit pa ni Enyo na on track sa kanilang schedule ang mga isinasagawang paghahanda para sa nabanggit na international sporting event.
Sa kabila naman nito, ikinukunsidera pa rin ng Japan na kanselahin ang pagsasagawa ng Olympic torch relay para sa opening.
Nakatakdang ganapin ang 2020 Tokyo Olympics simula July 24 hanggang August 9.