Dahil sa mabilis na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), nakaimbento ng isang mobile app ang mga imbentor sa South Korea para ma-monitor ang virus doon.
Ayon kay Bae Won-Seok, isa sa mga developer ng Corona 100m, umaabot sa 20,000 downloads ang nakukuha nila kada oras sa Google Play app store.
Sa pamamagitan ng app na ito, malalalaman kung anong petsa nagkaroon ng covid-19 ang isang pasyente, kasama na ang nationality, kasarian, edad at lugar na pinuntahan ng naturang pasyente.
Maliban dito, malalaman din ng app user kung gaano sila kalayo o kalapit sa mga pasyente na mayroong coronavirus.
Sa pinakahuling ulat, mayroon nang mahigit 3,000 kaso ng COVID-19 sa South Korea.