Iginiit ni PDP–Laban spokesperson at House Deputy Speaker Johnny Pimentel na walang hakbang para patalsikin sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano.
Tinawag na ‘baseless and unfounded’ ni Pimentel ang lumulutang na kudeta laban sa liderato ng Kamara.
Sinabi ni Pimentel na wala silang alam sa umano’y pagpapatalsik kay Cayetano at sakali mang mayroong mga ganitong hakbang ay hindi makikiisa ang kanilang grupo.