Sumampa na sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sa nakalipas na magdamag lamang sa China, 42 panibagong bilang ng nasawi ang naitala kaya’t pumapalo na sa 2,912 ang death toll dito.
Bukod pa ito sa 138 nasawi mula sa iba’t ibang bansa.
Sa nakalipas na magdamag, ang Iran ay nakapagtala ng 11 panibagong bilang ng mga nasawi at 12 naman ang naitalang bagong nasawi sa Italy.
Kabilang sa mga bansang nakapagtala ng patay dahil sa COVID-19 ang Iran – 54, Italy – 41, South Korea – 21, Diamond Princess – pito (7), Japan – anim (6), France at Hong Kong – dalawa (2) at tig-isa naman sa Amerika, Thailand, Australian, Taiwan at Pilipinas.