Mangangailangan pa ng mahabang pag-aaral upang malaman kung hindi nakakatagal sa mainit na temperatura ang coronavirus.
Ayon kay Health assistant secretary Maria Rosario Vergeire, wala pang masyadong ebidensya na magpapatunay na hindi lumalaganap ang coronavirus sa tropical country na tulad ng Pilipinas.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa na wala pang local transmission.
Ibig sabihin, wala pang pasyenteng nagpositibo na walang history ng biyahe sa ibang bansa o exposure sa isang pasyente na positibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Kabilang rin ang Pilipinas sa syam na bansang tinukoy ng World Health Organization (WHO) na hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Matatandaan na pawang mga Chinese nationals ang nagpositibo sa COVID-19 dito sa Pilipinas –isa rito ang nasawi samantalang nakauwi na sa China ang dalawang iba pa.