Nakaapat na sunod na panalo na ang Los Angeles Clippers matapos nitong padapain ang Philadelphia, 136-130.
Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang panalo ng Clippers sa kanyang 30 puntos na sinundan naman ng tig-24 na puntos nina Paul George, Montrezl Harrell at Lou Williams.
Sa Minneapolis, namayani naman ang Dallas Mavericks laban sa Minnesota Timberwolves, 111-91.
Hindi nakapaglaro si All Star Luka Doncic dahil sa injury subalit rumatsada naman si Kristaps Porzingis na naka-iskor ng 38 points.
Samantala, 41 points at 20 rebounds naman ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks para dominahan ang Hornets, 93-85 sa Charlotte.