Aabot sa 242 dayuhan na hinihinalang magta-trabaho sa bansa ang naharang ng Bureau of Immigration(BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito kasunod ng pagkakatanggal sa lahat ng tauhan ng NAIA sa kanilang pwesto na sangkot sa umano’t pastillas scheme.
Ayon kay Fortunato Manahan Jr., Hepe ng B.I. Intelligence, napansin nila ang tangkang pagpasok ng mga hinihinalang illegal worker sa pamamagitan ng iba pang porty of entry sa pilipinas.
Ilan umano sa naturang mga dayuhan ay mula sa cambodia, vietnam, indonesia, malaysia, chinese at myanmar.
Naharang ang mga ito mula sa February 21 hanggang 28.
Kaugnay nito, nagbanta naman si immigration Commissioner Jaime Morente na haharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga mapapatunayang parte ng katiwalian sa ahensya.