Bibigyan ng ayudang pinansiyal ng Japan ang kanilang mga nationals na ang trabaho ay naapektuhan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Pinatututukan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang mga apektadong manggagawa nila na abnormal na ang pasok sa kanilang trabaho.
Pinagsusumite ni Shinzo ang Japanese at maging foreign employers ng listahan ng kanilang mga empleyado na apektado ang trabaho dahil sa COVID-19 para mabigyan ng tulong pinansyal.
Pangunahing kunsiderasyon anito ang mga magulang na mabibigong pumasok sa kanilang trabaho dahil sa pag-asikaso sa kanilang mga anak na hindi nakakapasok matapos pansamantalang isara ang mga paaralan dahil sa COVID-19.