Nakapagtala ng 28 Volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ipinabatid ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na pawang mahihina lamang ang naitalang pagyanig at mahinang pagbubuga ng steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay nasa 50 hanggang 100 metro.
Sinabi ng PHIVOLCS na nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Taal Volcano na nangangahulugang maaari pa ring magkaruon ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at letha accummulations o pagbubuga ng volcanic gas.
Bawal pa ring pasukin ang taal volcano island na itinuturing na permanent danger zone.
Patuloy pa rin ang advisory ng PHIVOLCS sa local government units na maging handa sakaling muling mag alburuto ang Bulkang Taal.