Hangad ng Palasyo ang mabilis na paggaling ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa at pito pang kasama nito.
Ito, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar, ay matapos bumagsak ang sinasakyang chopper nina Gamboa sa San Pedro, Laguna.
Bukod kay Gamboa, sakay ng chopper sina spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, PNP comptrollership chief Maj. Gen. Jovic Ramoss, Major General Mariel Magaway, piloto ng chopper na si Lt. Col. Zalatar, co-pilot na si Lt. Col. Macawili, at Master Sergeant Louie Estona.