Binuo na ang isang special investigation task group para imbestigahan ang pagbagsak ng chopper na sinasakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa sa San Pedro, Laguna.
Ipinabatid ni PNP acting spokesman Police Major General Benigno Durana na ang SITG ‘Bell 429’ay pangungunahan ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. General Guillermo Eleazar.
Nananatili pa sa mga pagamutan si Gamboa kasama ang pitong iba.