Libre nang makaka konek sa internet ang mga residenteng nakatira sa Pampanga, Tarlac at Cavite.
Ito ay matapos na malagdaan ang P24-million project sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Converge Solutions para sa isang taong public internet access.
Itatayo ang mga WiFi access point sa 57 mga pampublikong lugar sa naturang mga probinsiya tulad ng ospital, parke, pantalan, paaralan at iba pa.
Sisimulan ang installation 60 araw matapos na mag isyu ang DICT ng notice to proceed sa kumpanya.