Mahigpit na nakatutok ang Embahada ng Pilipinas sa Amerika sa tumataas na kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing bansa.
Tiniyak ito ng Philippine Embassy kasunod na rin ng babala ng U.S. Centers for Disease Control na aakyat pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito, ipinatutupad na ng embahada at konsulada sa Amerika ang: regular na pagrereport sa Department of Foreign Affairs (DFA), pakikipag-ugnayan sa mga health authority ng Amerika at Caribbean Region gayundin sa Filipino community sa U.S. at Caribbean Region at cruise lines na mayroong operasyon sa Amerika at Caribbean Region.
Bukod pa ito sa pagbibigay ng update sa mga Pilipino hinggil sa travel restrictions na pinaiiral sa Pilipinas at pagpapatupad ng hakbang para maiwasan ang paglaganap ng sakit sa mga nakikipag transaksyon sa embahada at mga tauhan nito.