Nakalabas na ng ospital si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa isang araw matapos na masugatan sa pagbagsak ng kanyang sinasakyang chopper sa Laguna.
Ayon kay PNP acting spokesman Major General Benigno Durana Jr., maayos na ang kalusugan ng PNP chief matapos na magtamo ng minor injury.
Kasama rin ni Gamboa na nakalabas ng pagamutan ay ang kanyang aide de camp na si Capt. Keventh Gayramara.
Samantala, nanatili namang nasa pagamutan ang iba pang opisyal at kasama ni Gamboa sa bumagsak na chopper.
Sinabi ni Durana na nais na ring lumabas sa pagamutan ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac bukas ngunit nakasalalay pa rin ito sa magiging desisyon ng mga doktor.
Habang nanatili namang unstable ang kalagayan nina PNP Comptrollership chief Major General Jovic Ramos at PNP inteligence Director Major General Mariel Magaway.