Patay ang 27 katao habang sugatan ang 55 iba pa sa nangyaring pag-atake sa isang ginaganap na seremonya sa Kabul, Afghanistan.
Batay sa ulat, kabilang sa mga dumalo sa okasyon ang isa sa mataas na leader ng Afghanistan na si Abdullah Abdullah.
Gayunman sinabi ng tigapagsalita ng opisyal, ligtas itong nakalabas sa lugar kasama ang iba pang mga politiko.
Agad namang itinanggi ng Taliban na siyang pinakamalaking militant group sa Afghanistan na may kinalaman sila sa pag-atake.
Ito na ang kauna-unahang malaking pag-atake sa Kabul magmula nang mapagkasunduan ng Estados Unidos at Taliban ang pag-withdraw ng tropa ng Amerika sa Kabul.