Bahagyang tataas ang singil sa kuryente ng Meralco sa paparating na billing ngayong Marso.
Ayon sa Meralco, ito ay bunsod ng 18 centavos per kilowatt hour na itinaas sa generation at transmission charge.
Gayunman, natapyasan ito at naging .0278 centavos per kilowatt hour na lamang matapos ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-refund sa sobrang nasingil sa mga consumers.
Dahil dito, asahan na ang P5. 60 centavos na dagdag sa billing ng mga komukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan; P8. 40 centavos sa mga komukonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan.
P11.20 centavos na dagdag para sa mga komukonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan at P14 sa mga komukonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan.