Malapit nang makasungkit ng puwesto sa Olympics si Southeast Asian Games Champion Eumir Felix Marcial.
Ito ay matapos na matalo ni Marcial ang Australian boxer na si Kirra Ruston sa men’s middleweight quarterfinals sa 2020 Asian-Oceanian Continental Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Prince Hamzah Hall sa Amman Jordan.
Nakuha ni Marcial ang mga pare-parehong iskor na 30-27 sa buong laban sa mga judge mula Hungary, Algeria, Great Britain at Bulgaria habang 20-25 naman sa isang Austrian judge.
Target naman ni Marcial na makasungkit ng puwesto sa semifinals oras na makalaban naman ang pambato ng Mongolia.
Si Marcial na ang ikatlong miyembro ng national team na pumasok sa quarterfinals kasunod nina Aiba Women’s World Championship Gold Medalist Nesthy Petecio at SEA Games Medalist Riza Pasuit.