Naitala na ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado ang ika-6 na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos mag positibo sa naturang virus ang asawa ng 62-anyos na lalaking ika-5 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maituturing na ang mga ito na kaso ng local transmission.
Dahil dito, idineklara na ng DOH ngayong Sabado ang Code Red alert sa buong bansa.
Samantala, nananatili naman sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang mag-asawang nagpositibo sa COVID-19.
Patuloy naman na isinasagawa ng DOH ang contact-tracing sa mga nakasalamuha at mga lugar na napuntahan ng mag-asawa para maiwasan ang pagkalat ng virus.