Patay ang dalawa katao matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Florida, U.S.A.
Ayon sa Florida Department of Health, ito ang unang mga insidente ng pagkamatay dahil sa COVID-19 sa labas ng California at Washington.
Parehong galing umano sa international trips ang dalawang nasawing pasyente na ang isa ay 70 taong gulang.
Magugunitang nanawagan ang U.S. Centers for Disease Control and Prevention sa mga matatanda at may chronic medical conditions na manatili na lamang sa kanilang bahay at iwasan ang pagbiyahe sa mga malalayong lugar.