Inaantabayan na lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang report na magmumula sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa mga Chinese national na hinihinalang may hinahawakang mga Philippine passport.
Sa statement ng DFA, sinabi nito na masusing na silang nakikipag-ugnayan ngayon sa BI upang masigurong ang mga hindi gumagamit ng pasaporte ng Pilipinas ang sinumang dayuhang pumapasok at lumalabas ng bansa.
Pahayag ng ahensya, base sa kasalukuyang protocol na ipinatutupad ng BI at ng iba pang ahensya ng pamahalaan, na dapat na agad nitong kinukumpiska ang pasaporte ng isang foreign national na napatunayang may hawak na Philippine passport at agad itong ipaaalam sa DFA.
Upang mapanatili ang integridad at kredibilidad ng Philippine passport system, sinabi ng foreign department na muli nilang binuo ang inter-agency committee against passport irregularities.
Binubuo ang komite ng Department of Justice, Department of Interior and Local Government, BI, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.