Hindi na dadalo ang ilang mga Senador sa Inter-Parliamentary Union (IPU) assembly sa Switzerland na nakatakda sa susunod na buwan.
Kabilang sa mga nagpahayag na ng hindi pagdalo sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, Sen. Franklin Drilon, Panfilo Lacson at Joel Villanueva.
Nagkaisa ang mga senador na huwag nang tumuloy bilang bahagi na rin ng pag-iingat lalo’t mabilis kumalat ang 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Europa.
Tinataya kasing libu-libong parliamentarians kasama ang kanilang mga staff ang dadalo sa pagtitipon kung walang banta ng coronavirus.
Nangangamba kasi si Sotto kung dadalo siya sa pagpupulong gayung mabilis ang pagkalat ng virus sa nasabing kontinente.
Ako’y nagpasabi na ‘wag na muna, meron na din sa Europe ang dami pa nga, ang bumilis kumalat sa Europe atleast ang mga Pilipino alam mo na, kahit saang lugar sa Pilipinas araw-araw ang Pilipino naliligo. Yung iba kasi medyo ayaw na baka okay na din yun sapagkat kahit dito sa atin din medyo nag-iiwas bumiyahe yung mga tao, mabuti na din yun para hindi na masyadong nag-aalala tayo na baka kumalat,” ani Sotto.