Isinusulong ngayon sa Kamara De Representantes ang isang panukala na naglalayong hatiin sa apat ang barangay Muzon sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.
Ayon kay San Jose Del Monte City Lone Rep. Florida “Rida” Robes na siyang may-akda ng panukala, layunin aniya nito na palawakin pa ang serbisyo at good governance sa kanilang nasasakupan.
Sa ilalim ng house bill 2379 ni Robes, hahatiin sa apat ang barangay Muzon at papangalanang Muzon Proper, Muzon, South, Muzon East at Muzon West.
Kasunod nito, magsasagawa naman ng survey ang grupong Pinoy Aksyon PH para makuha ang pulso ng mga residente ng barangay Muzon hinggil sa nasabing panukala.