Muling itinanghal bilang Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association (PBA) si San Miguel Beermen Center June Mar Fajardo sa ika-anim na magkakasunod na season.
Opisyal na tinanggap ni Fajardo ang pagkilala sa ginanap na Leo Awards ng PBA sa Smart Araneta Coliseum kagabi bilang pormal namang pagsasara ng 44th season nito.
Nakakuha si Fajardo ng kabuuang 3140 points na binubuo ng 1207 statistical points, 1290 media votes, 343 player votes at 300 pba votes.
Si Fajardo na ang kauna-unahan at nag-iisang manlalaro na nasungkit ng anim na MVP awards para sa magkakasunod na season ng PBA.
Bukod naman sa MVP award nakasama din si Fajardo sa first mythical team kabilang sina Christian Stanhardinger at Sean Anthony ng Northport, Jayson Castro ng Talk N’ Text (TNT) at CJ perez ng Columbian Dyip.