Hiniling ng house committee on health sa Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify na ‘urgent’ ang resolusyon para mabigyan ng supplemental budget na P2-bilyon ang Department of Health (DOH).
Sa harap ito ng naitalang local transmission ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Cong. Angelina Tan, chairperson ng komite, matagal na nyang naihain ang resolusyon pero naikalendaryo lamang itong pag-usapan bukas.
Sinabi ni Tan na duda sya kung mapagbobotohan pa ito sa plenaryo dahil hanggang Miyerkules na lamang ang sesyon ng kongreso na magbabakasyon para sa kanilang Lenten break.
Kahit anya hindi nagkaroon ng local transmission, talagang kailangan na ng DOH ang dagdag na budget lalo na ang para sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).