Magtatalaga ng Medical Officer ang Philippine National Police (PNP) upang magbigay ng medical bulletin sa kalagayan nina Major General Mariel Magaway at Major General Jose Maria Ramos.
Ayon kay PNP Chief, General Archie Gamboa, layon nito na maiwasan ang mga ispekulasyon sa tunay na kalagayan ng dalawang heneral.
Sinabi ni Gamboa na sa ngayon ay nananatili sa ICU sina Magaway at Ramos subalit nagpapakita naman sila ng improvement.
“Kasi ako honestly hindi ko din alam yung medical terms, baka naman iba yung maging interpretation. You know when not all details are provided, it might lead to different conclusion,” ani Gamboa.
Samantala, ipinagpaliban na muna ni Gamboa and mga nakatakda nyang pagbisita sa regional offices ng PNP ngayong linggo dahil naka cast pa ang kanyang kamay.
Itutuloy anya nya ito sa susunod na linggo subalit posibleng hindi na muna sya sasakay ng chopper.
“…By land but in due time, I will ride the helicopter again, in due time…up until we get clearance to let them fly again,” ani Gamboa.