Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency sa bansa.
Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa kabilang na ang unang kaso ng local transmission.
Sa nilagdaang Proclamtion 922 ni Pangulong Duterte, kanyang pinakikilos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga local government units para pagtulungan masugpo ang COVID-19.
Sa ilalim din ng state of public health emergency, maaaring humingi ng tulong ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agency sa kanilang pagtugon sa nabanggit na virus.
Maliban dito, magiging mabilis din ang pagpapalabas ng pondo para sa maayos na pagtugon sa kaso tulad ng pagbili ng mga medical equipment at testing kits na hina na kinakailangan pa ng bidding.