Pansamantalang pinalaya ng Iran ang umaabot sa 70,000 mga preso sa kanilang bansa.
Ayon sa pinuno ng Iran judiciary, ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bagong naitatalang kaso at pagkamatay dahil sa corona virus disease 2019 (COVID-19).
Aniya, mas mapagtutuunan din ng pansin ng mga awtoridad ang pagsugpo sa nabanggit na virus.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang judicairy chief ng Iran kung hanggang kailan ang ibinigay na kalayaan sa mga preso at kung kailan babalik sa kulungan ang mga ito.
Sa pinakahuling tala, pumalo na sa mahigit 7,000 ang kaso ng COVID-19 sa Iran kung saan dalawang daan at tatlumput pito na ng nasawi.