Umabot sa mahigit 36°C ang temperatura sa ilang lugar sa bansa, kahapon, ika-9 ng Marso.
Ayon sa PAGASA, ang mataas na temperatura ay naranasan sa Bayombong, Nueva Vizcaya na umabot sa 36.1°C; General Santos City –35°C; Echague, Isabela –35.8°C; Clark, Pampanga –35.6°C at Camiling, Tarlac –35.5°C.
Dito sa Metro Manila, naitala ang 35°C sa PAGASA Science Garden sa Quezon City, samantalang umabot sa 39°C ang heat index dakong alas-3 ng hapon.