Umakyat na sa 33 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Una nang inanunsyo ng DOH na 11 ang nadagdag na kaso subalit nilinaw ni Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergeire na mayroong dalawang pasyente ang naulit ang pagsusuri.
Ayon kay Vergeire ang mga panibagong kaso ng COVID-19 ay mga nasa sumusunod na ospital: Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital – patient 21, 58 taong gulang/babae, Cardinal Santos Medical Center – patient 22/51 anyos/babae at patient 23/30 anyos/babae, Lung Center of the Philippines – patient 24 / 52 anyos/lalaki, New Clark City Quarantine Facility – patient 25/31 taong gulang/lalaki at patient 26/34 anyos/lalaki kapwa sakay ng MV Diamond Princess at the Medical City para sa patients 27 hanggang 33.
Si patient 27 ay 42 anyos na babae na walang travel history, patient 28 – 69 na taong gulang na lalaki na may history ng exposure sa isang pasyente ng COVID-19, patient 29 – 82 taong gulang na babae na may history ng contact sa isang pasyente ng COVID-19, patient 30 – 69 na taong gulang na babae na nakalapit din sa pasyenteng may COVID-19.
Samantala si patient 31 ay 28 anyos na babae, patient 32 – 64 na taong gulang na lalaki at si patient 33 ay 60 taong gulang na lalaki at pawang mga walang travel history.
Sinabi ng DOH na sina patients 21 hanggang 33 ay pawang mga Pilipino.
Tiniyak ni Vergeire ang pagsasagawa ng kumprehensibong contact tracing sa mga nakasalamuha at aktibidad ng mga nasabing kaso.