Pansamantala munang isasara ang mga paaralang Katoliko na sakop ng Archdiocese ng San Francisco sa Huwebes.
Ito ang naging pasya ng Archdiocese makaraang kumpirmahin ng San Francisco Public Health na isa sa mga estudyante ang nagpositibo sa 2019 corona virus disease (COVID-19).
Maaapektuhan ng naturang closure ang mga estudyante mula sa 90 Catholic Schools sa Marin, San Francsico, at San Mateo counties.
Kanselado rin ang lahat ng school events gaya ng field trip, fundraisers at community events.
Samantala, tatagal naman ang pagsasara ng mga nabanggit na paaralan hanggang sa Marso 25.