Niyanig ng magnitude 4. 4 na lindol ang ilang lugar sa Eastern Visayas partikular ang lalawigan ng Leyte, Biliran at Eastern Samar kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Capoocan sa Leyte, 1:16 kaninang madaling araw.
Naramdaman ang intensity 4 ng lindol sa Capoocan, Intensity 3 sa Cabucgayan sa Biliran Province… Intensity 2 sa Ormoc City sa Leyte at intensity 1 naman sa Palo, Leyte; Borongan City sa Eastern Samar; at sa Cebu City.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng anumang pinsala ang naturang pagyanig.