Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “task force laban coronavirus”.
Ito’y sa gitna ng pagdami ng bilang ng apektado ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Admiral Joel Garcia, Coast Guard Commandant, pangunahing responsibilidad ng binuong task force ay magbigay ng suporta at tulong sa Department of Health (DOH).
Ani Garcia, katuwang ng DOH ang mga nurse at medical technologist ng armed service para mapunuan ang kinakailangang tauhan ng ahensya na dapat ipakalat sa mga medical facility kung saan mayroong patients under investigation at pasyenteng positibo sa virus.
Pangungunahan umano ni Captain Eric Steven Guieb ng PCG-medical service ang task force maging ang training sa 700 miyembro nito.