Aprubado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na lumilikha ng bagong departamento na nakatutok lamang sa OFW’s.
173 kongresista ang bumoto pabor sa house bill 5832 na kilala rin sa tawag na Dept. of Filipinos Overseas (DFO) act samantalang 11 ang tumutol.
Sakaling maging batas, mapupunta sa DFO ang lahat ng gawain ng POEA, Office of the Undersecretary for Migrant Affairs ng DFA at lahat ng overseas labor offices sa ilalim ng DOLE.
Ang DFO na rin ang mangangasiwa sa OWWA at sa lahat ng attached agencies nito.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng empleyado sa mga masasakop nitong tanggapan ay malilipat lamang sa DFO.