Ibinasura ng Dept. of Education (DepEd) ang panukala na isara na ang school year at otomatiko na lamang ipasa ang lahat ng mag aaral sa harap pa rin ito ng banta ng COVID-19.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi s’ya papayag sa mass promotion dahil labag ito sa objectives ng DepEd.
Pagdating sa final exams, sinabi ni Briones na maaari naman itong isagawa ng paunti-unti at hindi biglaan ang lahat ng estudyante.
Maaari rin aniyang ituloy ang mga graduation rites kung matitiyak ng school administrations na kaya nilang ipatupad ng mahigpit ang mga regulasyon ng Dept. of Health sa pagkontrol ng dami ng tao.
Una rito, sinuspinde ng Pangulong Rodrigo Duterte ang klase sa NCR hanggang March 14.