Pagkakalooban ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN ng provisional authority upang manatili itong bukas hanggang June 2022 kahit pa mapaso na ang kanilang prangkisa.
Tiniyak ito ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios matapos matanggap ang concurrent resolution ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Cabarios, binigyan sila ng direktiba na mag-isyu ng provisional authority at hangga’t hindi ito pinipigil ng Korte ay makakapag operate ang ABS-CBN hanggang 2022 habang dinidinig ng kongreso ang aplikasyon nila para sa renewal ng kanilang prangkisa.
Una nang kinuwestyon ni Atty. Larry Gadon sa Korte Suprema kung sapat ang provisional authority mula sa isang executive agency na pansamantalang kapalit ng nag-expire na prangkisa.