Hindi masisilayan ngayong mahal na araw ang pinakaka-abangang crucifixion reenactments sa barangay San Pedro Cutud sa San Fernando, Pampanga na mahigit 30 taon nang dinarayo ng mga turista.
Ayon kay Mayor Edwin Santiago ng San Fernando, nagpasya silang pigilan ang taunang palabas dahil sa panganib na na dala ng COVID-19.
Sinabi ni Santiago na nangangamba sila dahil ang karamihan sa mga dumarayo sa kanilang lugar tuwing mahal na araw ay mga dayuhang turista.
Bagamat dismayado si Ruben Enaje na umaaktong Kristo sa palabas sinabi nitong itutuloy pa rin niya ang pagbubuhat ng krus sa Biyernes Santo upang matupad ang kanyang panata.