Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang Pilipinong nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang sumakabilang buhay na.
Ang sumakabilang buhay ay kinilala ng DOH bilang patient 35, 64 years old at naka confine sa Manila Doctors Hospital.
Nakitaan umano ng mga sintomas ng COVID-19 ang pasyente nuong Pebrero 29 subalit nag positibo lamang ito kahapon, Marso 11.
Si patient 35 ang unang Pilipino na nasawi sa COVID-19…ang unang naitalang fatality sa bansa ay isang Chinese national.
Kabilang si patient 35 sa nadagdag na 16 na bagong kaso ng COVID-19 na inihayag ng DOH kahapon, Marso 11.
Dahil dito, umaabot na sa 44 ang kabuuang bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.