Muling nakapagtala ng mainit na temperatura ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa ilang bahagi ng bansa, kahapon, ika-11 ng Marso.
Kabilang sa limang lugar na nakapagtala ng maituturing na highest temperatures, ayon sa PAGASA, ang Cotabato City – 36.6°C; General Santos City – 36.4°C; Tagum City – 36.1°C; San Jose, Occidental Mindoro – 35. 8°C; at Camiling, Tarlac – 35. 5°C.
Sa Metro Manila naman, bahagyang bumaba ang naitalang pinakamataas na temperatura kahapon na nasa 33.6°C sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index na naitala sa Quezon cCity ay umabot sa 38°C, ala una ng hapon.