Nagpatupad na ng lockdown ang Denmark dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Wala pang naitatalang nasawi sa Denmark dahil sa COVID-19 subalit umaabot na sa 514 ang mga tinamaan ng nasabing virus dito.
Ipinag-utos ni Denmark Prime Minister Mette Frederiksen ang pagsasara ng lahat ng mga paaralan mula sa kindergarten hanggang sa mga unibersidad.
Hinimok din ang private sector na magpatupad na lamang ng work-from-home sa kanilang mga empleyado.
Ipinagbawal na rin ang pagdaraos ng lahat ng uri ng indoor events na dadaluhan ng 100 o higit pa.
Ang Denmark ang ikalawang bansa sa Europe na nagpatupad ng lockdown dahil sa COVID-19.