Aarestuhin at kakasuhan ang mga hoarder o mag-iimbak ng alcohol, hand sanitizer, face mask at iba pang basic commodities na pangontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang magsasamantala sa sitwasyon ngayon dahil nakapag papataas lamang ito ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Panelo, hindi sasantuhin ng palasyo ang mga reseller na nagbebenta ng sobra sobrang presyo ng basic commodities.
Una nang umapela ang Palasyo sa publiko na huwag mag panic buying at huwag mag imbak ng supply ng sobra sobra.