Nadagdagan pa ang mga miyembro ng gabinete na sumailalim sa home self quarantine.
Kabilang dito si Education Secretary Leonor Briones matapos dumalo sa dalawang pulong kung saan dumalo rin ang isang pasyenteng nag positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Ang nasabing pulong ay naganap nuong February 28 sa central office ng Department of Education (DEPED) sa Pasig city at nuong March 5 sa ginawang pagdinig naman sa senado.
Wala pa namang sintomas na nakikita kay Briones at maging sa iba pang opisyal ng DEPED.
Nag self quarantine na rin si Public Works And Highways (PWH) Secretary Mark Villar matapos makasalamuha ang isang pasyenteng COVID-19 positive.
Kinumpirma naman ni budget secretary Wendel Avisado ang pagsailalim sa self quarantine matapos siyang mag expose kay budget Secretary Carlos Dominguez na una nang nag self quarantine matapos makipag kamay sa isang pasyenteng positibo sa COVID-19.
Naka self quarantine na rin si Navotas City Mayor Toby Tiangco dahil dumalo siya sa event na dinaluhan din ng mga opisyal ng gobyerno na nag self quarantine na.