Giniit ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Ayon kay DTI secretary Ramon Lopez, nagbigay ng katiyakan sa kanya ang mga manufacturers ng basic goods na hindi magkakaruon ng shortage ng mga pangunahing bilihin.
Bukod anya sa mga isang buwang suplay sa kanilang mga bodega ay maaari rin silang agad na makapag produce ng kakailanganin.
Nagbigay na rin ng katiyakan ang national food authority na may sapat na imbak na bigas ang bansa.
Regular naman umano ang imbentaryo at imbak para sa dalawang buwan ng retail sector tulad ng Robinsons, SM at Puregold.
Samantala, Siniguro rin ng Mercury Drug store ang sapat na imbak na gamot gayundin ang alcohol mula sa Green Cross at PhilUsa Corporation.