Bagama’t may mga naitatala nang PUI’s o Persons Under Investigation, nananatili pa ring 2019 coronavirus disease 2019 o COVID-19 FREE ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Iyan ay kung ang pagbabatayan ang Case of Summary of the COVID-19 Report No. 1 ng BARMM Ministry of Health nitong nakalipas na Marso 12, 2020.
Kasunod nito, inirekumenda ni BARMM Minister of Health Dr. Saffrullah Dipatuan kay Chief Minister Al-Haj Murad Ebrahim na bumuo ng Inter-Agency Task Force on COVID 19 na naglalayong paigtingin ang kanilang hakbang kontra sa nasabing virus.
Mula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency, inatasan na ni Dr. Dipatuan ang lahat ng Ospital sa kanilang rehiyon na umaksyon at tugunan ang mga maitatalang posibleng kaso para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Palalakasin din aniya ang mga kasalukuyang aktibidad ng Regional and Epidemiological Surveillance Unit ng Ministry of Health kasama na sa Land, Sea at Airports, paglalagay ng dagdag na mga tauhan at mabilis na pagpapalabas ng pondo para sa programa.
Bagaman, may dalawang kaso ng Persons Under Investigation (PUI), kung saan naka-confine sa Cotabato Regional Medical Center ang isa sa mga pasyente habang ang isa naman ay sa Amai Pakpak Medical Center, ay nanatili pa ring COVID-19 Free ang BARMM habang hininintay pa ang resulta sa pagusuri sa mga ito.
Pagtutok sa kalinisan sa katawan na siyang pinaka-epektibong paraan para pangalagaan ang ating sarili laban sa ibat-ibang mga karamdaman.
Ang BARMM ay mayroon lamang limitadong kapasidad para magpatupad ng lockdown sa entry at exit points nito at walang sa Quarantine at immigration.
Samantala, nakilahok ang karamihan sa mga MOH Regional staff sa medical/surgical/dental mission sa Jolo, Sulu noong March 9, 2020 sa tulong ng TABANG program ng Chief minister at Provincial Health Officer II na nagsabing ang kanilang lalawigan ay COVID-19 Free.