Pahirapan pa rin ang suplay ng rubbing alcohol sa lahat ng mga botika, supermarket, groceries at sari-sari stores sa buong Metro Manila.
Ito’y sa kabila ng pagtitiyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na suplay ng rubbing alcohol dahil sa banta ng COVID-19.
Sa pag-iikot ng DWIZ Patrol sa mga kilalang drug stores, groceries, supermarkets at mga sari-sari stores, kapansin-pansin na walang nakalagay na rubbing alcohol sa mga estante.
Katuwiran ng mga tauhan ng nabanggit na mga establisyemento, lubhang napakataas umano ng demand sa alcohol na mabilis nauubos kahit na kababagsak pa lang ng kanilang delivery.
Maging ang kilalang factory/warehouse ng isang pharmaceutical company sa Shaw Boulevard sa Pasig City, wala na ring suplay ng alcohol.
Una nang nagbabala ang malakaniyang laban sa mga mapagsamantala na nagtatago ng kanilang suplay ng alcohol at iba pang produktong gamit sa paglaban sa COVID-9 na kakasuhan sakaling mapatunayan ang kanilang paglabag.