Magpapatupad ng curfew hour ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasabay ng implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang press conference, sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na ipatutupad ng curfew simula ngayong Sabado, Marso 14, hanggang Abril 14.
Magsisimula ang curfew ng 8 p.m. hanggang 5 a.m.
Ani Garcia, isa ito sa mga paraan para malimitahan ang paggalaw ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Gayunman nilinaw ni garcia na hindi sakop ng curfew ang mga nasa essential work at mga bibili ng pagkain.