Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pansamantalang pagsasara ng mga mall kasabay ng implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, karaniwan kasing pinupuntuhan ng maraming tao ang mall.
Giit ni Garcia, hindi panahon ngayon para mamili o mag-shopping sa mall sa halip ang kailangan aniya ngayon ay sapat na pagkain at gamot.
Dagdag ni Garcia, tanging mga kailangang establisimiyento lang ang dapat manatiling bukas sa gitna ng community quarantine sa Metro Manila tulad ng grocery stores, drug stores, at mga banko.