Inaprubahan na ng Muntinlupa City Council ang ordinansang magpapaigting sa pagpapatupad ng curfew sa kanilang lunsod simula alas-8 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga sa Lunes, March 16.
Una nang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkasundo ang lahat ng alkalde sa National Capital Region (NCR) na ipatupad na ang curfew sa buong Metro Manila bilang bahagi ng community quarantine measures para pigilan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Nilinaw naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kailangan munang maglabas ng kani-kanilang ordinansa ang bawat local government unit sa NCR bago tuluyang ipatupad ang curfew.