Humihingi ng karagdagang P2.8-B pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa tanggapan ng Pangulo.
Ito ay upang magamit sa pagpapatupad ng mga programang laan sa mga manggagawa sa loob at labas ng bansa na posibleng mabawasan ang kita dahil sa flexible work arrangements at mga mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bell III, P1.5-B ang kinakailangang dagdag na pondo para maayudahan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s na naapektuhan ng COVID-19.
Habang isang punto tatlong bilyong piso naman sa implementasyon ng assistance programs para sa mga formal at informal workers na tinamaan din ng pandemic.
Sinabi pa ni Bello, kabilang sa mga programang hinahanap niya ng karagdagang pondo ang adjusment measures program, tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers program at government internship program.