Nanawagan si Sen. Grace Poe sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na bigyang prayoridad ang mga manggagawa sa informal sector sa mga programang ipatutupad para maibsan ang epekto ng COVID-19.
Gaya aniya ng mga nagbebenta ng taho at fishball, tricycle at jeepney drivers, street-sweepers at construction workers.
Ayon kay Poe ang mga ito ang talagang lubhang apektado ng Luzon community quarantine dahil sa pagkawala ng kanilang pagkakakitaan at magugutom ang kanilang pamilya.
Giit ni Poe dapat ay tiyakin na makatanggap ang mga ito ng food packs at relief assistance na ibibigay ng gobyerno ngayon.